MULANAY, Quezon–– Napisak ang katawan ng isang 3-anyos na batang babae matapos na masagasaan ng 10-wheeler truck sa Barangay Cambuga sa bayan ng Mulanay, Quezon nitong nakalipas na Hulyo 7, ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktimang si Alyzza Linggahan ng San Narciso, Quezon. Sa imbestigasyon ni PO3 Noel Palmiano, nabatid na biglang tumawid ang biktimang naglalaro sa tabi ng highway kaya nahagip ng trak (WBA 855) ni Bren Cartacutan, 48, ng Quezon City.
Nasa kustodiya ng pulisya ang driver na sinasabing patungo sana sa bayan ng Gumaca, Quezon para magdeliber ng bigas ng maganap ang insidente.
No comments:
Post a Comment