Sa ulat ni Calamba City Police Director P/Supt. Leovigildo Manaig, kinilala ang biktimang si Rodnie Delgano, binata, mayari ng Roman Employment Agency and General Services.
Pinaghahanap ang suspek na kinilalang si Czoren Angelo Caraan, 21-anyos, dating empleyado ng biktima na nasibak sa posisyon.
Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-10:20 ng gabi sa opisina ng biktima sa Brgy. San Cristobal ng lungsod. Sinasabing inihahanda ng biktima ang nasabing payroll money para sa kaniyang mga empleyado ng bigla na lamang umanong pumasok ang suspek na armado ng patalim at pinagsasaksak ang biktima, kinuha ang pera at saka mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo na naiwan ang helmet sa pagmamadali.
Naisugod naman sa Calamaba Doctor's Hospital ang biktima na nagawang ituro ang suspek sa mga awtoridad bago ito binawian ng buhay.
TRADER, HINOLDAP, PINATAY NG SINIBAK NA EMPLEYADO│Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012
No comments:
Post a Comment