LUCENA CITY–– Dahil sa nadaramang selos nang may tinitignang ibang lalaki ang kanyang misis, winakasan ng 57-anyos na mangingisda ang kanyang buhay matapos itong magbigti sa puno ng kamatsile sa Purok Pitong Gatang, Barangay Talao-talao sa Lucena City, Quezon nitong nakalipas na Hunyo 30 ng umaga.
Sa imbestigasyon ni PO2 Miljun Magadia, sinasabing huling namataang buhay ang biktimang si Apolinario Reyes na nakikipaginuman sa ilang kapitbahay. Sinasabing naikuwento ng biktima sa kanyang mga kaibigan na may tinitignang ibang lalaki ang kanyang misis.
Ayon pa sa ulat, kumuha umano ito ng patalim at nagtangkang maglaslas ng pulso subalit napigilan ng mga kainuman, subalit kinaumagahan ay natagpuang nakabitin ang biktima at wala ng buhay.
No comments:
Post a Comment