LOPEZ, Quezon–– Napaslang ang isang 23-anyos na magsasaka ng kanyang kuya matapos mapagkamalang magnanakaw sa bakuran ng kanilang bahay sa Barangay del Pilar sa bayan ng Lopez, Quezon Hulyo 1 ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Romnick Rosales, Samantalang kinilala ang suspek na si Rommel Rosales, 30, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon ni SPO4 Raul Paraiso, sinasabing nagising ang biktima dahil sa kaguluhan sa labas ng bahay.
Nang lumabas ng bahay ang biktima na may bitbit na flashlight ay nasalubong ito ng saksak ng kanyang kuyang si Rommel.
Nang bumulagta sa lupa ang biktima nakitang ang batang kapatid ang kanyang napatay sa halip na ang inahabol na magnanakaw.
May teorya ang pulis-ya na dahil sa takot na makulong ay tumakas ang suspek.
No comments:
Post a Comment