BACOOR, Cavite–– Sugatan ang isang 52- anyos na mamamahayag matapos na barilin ng pasaherong nakasabay nito sa loob ng van sa Bacoor, Cavite Hunyo 29 ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Manolo Pedralvez, 52, may-asawa, sports writer/editor ng Malaya Newspaper at nakatira sa Bahayang Pag-asa Subd. sa bayan ng Imus, Cavite.
Nahaharap naman sa kasong kriminal ang suspek na si Alejandro Bantog De Guzman alias Ka Andring, 57, may-asawa da-ting OFW at nakatira naman sa Block 10 Lot 11, Apacible Street. Phase II-B, Bahayang Pag-asa sa Barangay Molino 4, Bacoor, Cavite. na pinaghahanap pa ng pulisya sa ulat ng pulisya, lulan ng pampasaherong van ang biktima at ang mag-asawang Bantog nang pumara sa tapat ng isang tindahan sa Barangay Molino 3.ang suspek.
Sinasabing sa pagbaba ng suspek ay aksidenteng naipit ang kamay ng biktima ng extended na upuan kaya nagalit ang biktima na nauwi sa mainitang komprontasyon, sinasabing nagbunot ng baril ang suspek saka binaril sa hita ang biktima.
Samantala, napigilan naman ng pulisya ang asawa ng suspek kung saan nakikipagtulungan para maaresto ang suspek.
No comments:
Post a Comment