PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

36-ANYOS NA BEBOT NAARESTO SA DROGA

CAVITE CITY–– Inaresto ng mga elemento ng Cavite City PNP Intelligence section ang isang 36  anyos na dalaga, matapos mahulihan sa kanyang posesyon ng ipinagbabawal na droga sa F. Delacruz  Street Caridad ng lunsod na ito nitong nakalipas na Hunyo 22 bandang alas 6:30 ng gabi. 

Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni PSupt.Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya, sa isinagawang  imbestigasyon ni PO2 Michael Marquez, nabatid na nagsasagawa ng operasyon ang kanyang mga  tauhan sa Intelligence section laban sa illegal gambling ng sa hindi sinasadyang pagkakataon ay maaresto  ang isang Rose Rothman y Santos , 36 , dalaga residente ng nasabing lugar.

Nakumpiska buhat kay Rothman ang 3 piraso ng maliit na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.. 

Sinampahan ng kasong paglabag sa section 11 ng RA9165 ang suspek at nakakulong sa himpilan ng pulisya.
36-ANYOS NA BEBOT NAARESTO SA DROGA
By: REY MORALES│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue

No comments:

Post a Comment