PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

MISIS NAHULOG SA PATROL CAR PATAY


DASMARIÑAS, Cavite––Sinawimpalad na mamatay ang isang 46 anyos na ginang matapos na  mabagok ang ulo sa sementadong kalsada ng aksidenteng mahulog sa tumatakbong patrol car ng pulisya  sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Sampaloc IV, Dasmariñas City. 


Kinilala ang biktima na si Ma. Victoria Gan, residente ng Block 9, Brgy. Kua, General Mariano (GMA)  Alvarez, Cavite. 


Sa imbestigasyon ni PO2 Jesus Bae, may hawak ng kaso ganap na alas-7:30 ng gabi ng maganap ang  insidente habang sakay ang ginang ng mobile car ng GMA Police Station na Toyota Hilux na may plate  number SJG-315 na minamaneho ni PO1 Jervie San Pacual  kasama sina Inspector Jean Alagos; PO2  Jonah Javelosa at DSWD personel Delia Bautista at patungo sana ang mga ito sa hospital sa lungsod para bisitahin ang kamag-anak ng ginang. 


Ayon sa mga pulis nakaupo umano ang biktima sa dulong bahagi ng patrol   car kasama ang iba pang mga pulis na pinaniniwalaang nakaidlip bunsod upang makabitiw ito sa pagkakahawak at tuluyang  mahulog na ikinasawi nito . 



No comments:

Post a Comment