PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

WITNESS SA DOMINGUEZ CARJACKING GANG NILIKIDA


DASMARIÑAS, Cavite– –Tatlo katao kabilang ang itinuturing na star witness sa organisadong carjacking  gang ng mag-utol na Raymond  at  Roger Dominguez ang natagpuang wala ng buhay   at iniwan  sa bahagi Sta. Lucia Proper, Barangay Salawag sa Dasmariñas City, Cavite n itong nakalipas na Mayo 6 gabi. Sa ulat ni P/Supt. Ulysses Cruz, hepe ng Dasmariñas City PNP na nakarating sa Camp Crame, ang bangkay ni Alfred “Bading” Mendiola at dalawang iba pa ay natagpuan bandang alas-6:30 ng gabi sa nabanggit na lugar. Kabilang sa mga ito si Mark Angelo Miranda Herrera ng Pulilan, Bulacan na sinasabing boyfriend ni Mendiola habang tiyuhin naman ni Herrera ang isa pang patay na si Eriberto Jumaquio ng Sta. Isabel, Malolos City, Bulacan kung saan kinilala na ng kanilang pamilya. Ang bangkay ng mga  biktima  ay pawang binusalan ng masking  tape, naka-gapos ng kable ang kata-wan at mga kamay at may mga tama ng bala sa ulo. Si Mendiola na nakatanggap ng sunudsunod na pagbabanta ay isinailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DoJ) bilang testigo nito sa carjacking gang na sinasabing pinamumunuan ng magkapatid na Dominguez. Samantala,  sa kaniyang pagharap sa mediamen, sinabi ni Arsenio Evangelista, ama ng pinaslang na car dealer na si Venson Evangelista na bago naganap ang insidente ay nag-text sa kaniya ni Mendiola at sinabing kumikilos na ang ‘men in uniform’ na kasabwat ng organisadong grupo para siya itumba. Sinabi naman ni PNP-HPG Director P/Chief Supt. Leonardo Espina na paiimbestigahan niya ang ‘men in uniform’ na sinasabing protektor ng Dominguez Brothers.  “We will pursue this angle closely so that we can get to the bottom of the case,” dagdag ni Espina bilang suporta sa isinasagawang imbestigasyon ng Department of Justice sa kaso.Kasunod nito, pinagkalooban na ng seguridad ng PNP si Evangelista kaugnay ng umiinit na paglilitis sa kasong carjacking ng magkapatid na Dominguez. Magugunita na ang car dealer na si Venson, Emerson Lozano at driver nitong si Ernani Censil ay magkakahiwalay na dinukot sa Quezon City noong Ene-ro 2011 saka sinunog ang mga bangkay matapos karnapin ang mga sasakyang kanilang ibinebenta.

By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012   

No comments:

Post a Comment