CARMONA, Cavite–– Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isang driver makaraang aksidenteng maatrasan ng kanyang minamanehong trak ang isang kapwa driver sa aksidenteng naganap sa bayan ng Carmona Cavite nitong nakalipas na Mayo 3 ng hapon. Kinilala ang naarestong suspek na si Jerry Radiles, 32, driver, ng Sta. Rosa, Nueva Ecija, kasalukuyang stay-in sa Warehouse No. 5, Commercial Complex, Brgy. Salawag, Paliparan III, Dasmariñas City. Samantalang kinilala naman ang biktimang si Severino Capagcuan, driver, 46 anyos may-asawa at residente ng Loyola’s Compound, Brgy. Bancal ng bayang ito. Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Marcelo Bersamina, dakong alas- 5 ng hapon ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Bancal ng nasabing bayan. Habang minamaneho ng suspek ang Isuzu truck na may plakang GJY-945 na nakarehistro sa pangalan ng isang Henry
Ramirez Bangco isang negosyante, Sinasabing hindi umano napansin ng driver na nakatayo sa likuran ng truck ang biktima,at sa pag atras ay naatrasan ang biktima na nagbunga ng madalian nitong kamatayan.
No comments:
Post a Comment