PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

AWAYAN DAHIL SA SELOS, LALAKI NAGSAKSAK SA SARILI TODAS


CAVITE CITY–– Selos ang itinuturong dahilan sa awayan ng magka live- in na humantong sa pananaksak ng lalaki sa kanyang live in partner at wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang sarili na naging dahilan ng kanyang kamatayan. Ideneklarang dead on arrival sa Bautista Hospital sa Cavite City ang isang Erwin Manlisis Fernandez 27, construction worker residente ng M. Santos Street, Sta. Cruz Cavite City bunga ng tama ng isang  saksak sa may bahagi ng tiyan na ikinaluwa ng kanyang kapirasong bituka. Samantalang nagtamo ng sugat sa braso ang  biktimang kinilalang si Norbin Bella y Medina, 23, live in partner ng biktima. Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni P/Supt. Rommel Laconsay Javier , hepe ng pulisya buhat kay PO3 Boy Bautizon hepe ng Criminal Investigation Division (CID) base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jonathan Baclas, nabatid na naganap ang insidente bandang ala 1:00 ng hapon nitong nakalipas na Mayo 8 sa tinitirhan ng magka live in. Sinasabing nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na pinipilit awatin ng tiyahin ni Norbin na kinilalang si Heyde Garganta, nauwi ang pagtatalo ng mag live in  sa pananaksak ng biktima kay Norbin na tinamaan sa braso, matapos nito ay sinaksak ang kanyang sarili na hindi nagawang awatin ng tiyahin dahil sa lakas ng biktima.
Ang bangkay ni Erwin Manlisis Fernandez
na nakunan sa Bautista Hospital na nagsaksak sa sarili
matapos silang mag-away ng ka live-in dahil sa selos.
(Courtesy of PO3 MARVIN AGABIN)

By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012   


No comments:

Post a Comment