CAVITE CITY–– Isang 19 anyos na lalaki, na wanted sa kasong Theft ang nasakote ng pulisya sa barangay 7, Manila Cavite Road Dalahican Cavite City dakong ala 6:00 ng umaga nitong nakalipas na Mayo 7 ng mga elemento ng Warrant Section. Sa direktang superbisyon ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya, armado ng Warrant of Arrest sa ilalim ng Criminal Case Number CICL 5-2011-D na may petsang March 16 , 2012 na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Louis P. Acosta ng RTC Branch 17, Cavite City, Naaresto nina PO2 Sonny Boy Monzon at PO1`Edgie Portacio ang isang Gino Ararao y Rodil, binata, construction worker residente ng Alonzo Street Dalahican Cavite City. Kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng pulisya ang suspek
na may kaukulang piyansang P34,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
No comments:
Post a Comment