PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

3 TIMBOG SA DROGA


CAVITE CITY–– Dalawang babae at isang lalaki ang inaresto ng mga elemento ng Cavite City PNP habang nagsasagawa ng bentahan  ng ipinagbabawal na droga sa Barangay 36-M , Bagong Purok Caridad Cavite City nitong Abril 28 bandang alas 2:30 ng madaling araw. Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya, sa kanyang direktang superbisyon,nagsagawa ng surveillance operation laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal. ng sa hindi sinasadyang pagkakataon ay maaresto nina PO2 Michael Marquez at PO2 Marbert Sto. Domingo ang tatlong suspek na kinilalang sina Maryjane Ellarin y Delos Santos ,31,jobless, Jane Diamante Aurea,25, jobless pawang mga residente ng Bagong Purok Caridad Cavite City at Virgilio Santos y Simbillo 41, printer, residente ng Ejercito Street  Barangay 18, Caridad ng nasabing lunsod. Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Ronald Nabos, nabatid na habang nagasasagawa ng operasyon ang Intelligence Section kontra illegal gambling ng maaresato ang tatlo sa aktong  Nagbebentahan ng shabu. nakumpiska buhat sa mga ito ang 2 heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihihnalaang droga at P500.00 cash money. Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Cavite Provincial Crime Laboratory  para sa eksaminasyon. Samantalang sinampahan ng mga awtoridad ang mga nahuling suspek sa paglabag sa Article II ng section 5 at section 11 ng RA 9165.
By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 43 May 06-12, 2012

No comments:

Post a Comment