Rey Morales "Hotshots" |
Cavite City ~
MAIGTING ang kampanya ng Cavite City PNP kontra kriminalidad hangarin at layuning maging isang tahimik na pamayanan ang lunsod. Sa bawat gabing nagdadaan ay patuloy ang isinasagawang checkpoint sa mga pangunahing lansangan upang mapigil ang ano mang masamang balakin ng mga masasamng elementong nagnanais na maghasik ng kaguluhan o ang paggawa ng krimen. Todo higpit sa pagsita at paghuli ng mga
motorcycle riders na walang suot na helmet habang may dala ng motorsiklo, pagsita at paghuli sa mga motorsiklong expired ang rehistro, pagsita at paghuli sa mga drayber na walang lisensya at ang pagsita at ang paghuli sa mga kolorum na traysikel, upang mabigyang proteksyon ang mga mananakay o ang mga
commuters, maging ang mga operator na mayroong prangkisa at maiwasan ang pang aabuso ng mga traysikel na kolorum. Sa praktikal nga na usapan sa oras ng aksidente o maka aksidente walang hahabulin sa isang drayber o operator man ng isang traysikel na expired ang rehistro o walang lisensya ang nagmamaneho, maliban sa i- impound ang traysikel sa istasyon ng pulisya, habang hindi ito na irerehistro at
habang hindi nagkakaroon ng maayos na pag-uusap sa pagitan ng dalawang panig na nasangkot sa aksidente. Ikulong ang drayber kung mabigat ang naging opensa partikular kung malubhang pagkasugat sa naaksidente o buhay ng isang tao ang naging sukli ng aksidente hanggang hindi nagkakaroon ng maayos na pag-uusap sa pagitan ng magkabilang panig. Ito sana ang batas na dapat masunod upang maiwasan ang
mga pang aabuso sa pagmamaneho ng motorsiklo maging ng mga traysikel na walang prangkisa o
kolorum na masasabi. Subalit taliwas na nagaganap ito sa lunsod ng Cavite, maigtingang kampanya ang ipinatutupad ng himpilan ng pulisya, Sita dito sita doon, Huli dito huli doon tinitikitan , ang masakit kapag na tikitan dahil sa TCT (Traffic Citation Ticket) ang dala mumultahan sa City Hall kapag nabayaran ang multa walang magagawa ang mga kapulisan kundi i-release dahil nabayaran ang multa partikular doon sa mga motorsiklo at traysikle na expired ang rehistro. Tama ba na masasabi ang ganitong sistema? Sayang ang pagpapagod ng kapulisang linisin ang lunsod kontra sa mga kolorum na traysikel. Bukod pa dito ang
Padrinuhan system na hindi na yata mawawala sa lunsod ng Cavite kapag nahuli arbor ni ganito arbor ni ganoon walang magawa ang kapulisan dahil sa maimpluwensyang tao ang humihiling may magagawa pa ba ang pulis na nakahuli? Idagdag pa ang pagkakaroon ng lakas ng loob ng mga kolorum na ito na may
sariling terminal dahil sa pagbibigay proteksyon ng kapatid ng Mayor na sinasabi ng marami na daig pa
ang Mayor ng lunsod sa pag-asta????. Nakalimutan yatang hindi panghabang buhay ang pwesto sa gobyerno at ang lahat ay may hangganan at kata pusan... at ang paghahari sa isang kaharian ay
pansamantala lamang? Base sa mga ipinararating sa ating reklamo ng mga kapwa traysikel drayber na may
mga prangkisa sobra na ang pang aabusong ito subalit wala silang magawa dahil sa protektado ang mga ito.
Wala tayong laban na personal sa mga ito trabaho lang ang sa atin, Naisip kaya ng kapatid na ito ng AMA ng lunsod na nakasisisra ang ginagawa niyang ito? Batik na putik na ikukulapol at ibabato sa sa mukha sa
oras ng eleksyon.. MAKABUBUTI O MAKAKASAMA? Hanggang may mga nagbibigay proteksyon
hangang may mga Padrinuhan system walang mangyayari at patuloy na dadami ang mga kolorum sa lunsod ng Cavite.. Sayang lang ang oras at pagod ng kapulisan nawawalan ng saysay...
│ Cavite Exposé Vol.9 Blg.43 May 06-12, 2012
│ Cavite Exposé Vol.9 Blg.43 May 06-12, 2012
No comments:
Post a Comment