GEN. TRIAS, Cavite –– Hinihinalang may kaugnayan sa bawal na droga ang isa sa motibo kaya binoga at napatay ang 27-anyos na lalaki sa beranda ng kanilang tahanan sa Barangay Panungyanan, General Trias, Cavite nitong nakalipas na Abril 28 ng gabi. Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Alvin Ocillos habang mabilis na tumakas ang suspek na kinilalang si Arturo “Boy” Andaya na gumagamit ng alyas Carino Paterno. Napag-alamang nakausap pa ng biktima ang suspek kung saan nauwi sa matinding sagutan hanggang sa umalingawngaw ang malakas na putok ng shotgun kung saan duguang iniwanan ang nakabulagtang biktima.
│ Cavite Exposé Vol.9 Blg.43 May 06-12, 2012
No comments:
Post a Comment