IMUS, Cavite–– Patay ang isang 32-anyos na misis matapos gilitan at saksakin ng kanyang mister matapos ay nagtangkang magpakamatay sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Carsadang Bago 2 sa bayan ng Imus, Cavite nitong nakalipas na Mayo 2 ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Angelita Gonzales, accountant ng Emerson International Company habang ang kanyang mister na si Manuel Gonzales na isang trike driver ay naisugod sa Phil. General Hospital matapos gilitan ang sarili. Sinasabing matinding selos ang dahilan sa suspek kaya nagawang paslangin ang kanyang misis sa harapan ng dalawang anak na katabi ng mga ito sa higaan.
│ Cavite Exposé Vol.9 Blg.43 May 06-12, 2012
│ Cavite Exposé Vol.9 Blg.43 May 06-12, 2012
No comments:
Post a Comment