BACOOR, Cavite–– Binaril at napatay ang isang 41-anyos na security guard ng di-kilalang lalaki sa Maryhomes Subd., Barangay Molino 4 sa bayan ng Bacoor, Cavite Hunyo 18 ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Bero Rendal, security guard ng Crossline Security Guard Agency at nakatira sa Block 11, Lot 96 Phase 4, Cityhomes Subd. sa nasabing barangay.
Sa imbestigasyon nabatid na naka-duty ang biktima sa gate 1 ng nasabing subdibisyon nang lapitan at barilin matapos ang pamamaslang sa biktima ay tinangay ng gunman ang baril ng biktima bago tumakas.
Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang.
CRISTY D. GARCIA/ REYNANTE MACABTAT
SEKYU BINARIL TODAS
By: CRISTY D. GARCIA/ REYNANTE MACBTAT│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue
No comments:
Post a Comment