PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

2 DALAGA GINAHASA, NINAKAWAN NG MGA HOLDAPER

GUMACA, Quezon–– Napariwara  ang  kinabukasan ng magkaibigang dalaga matapos na halayin ay   ninakawan pa ng tatlong di-kilalang lalaki sa Barangay Hagakhakin sa bayan ng Gumaca, Quezon Hunyo 15   ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Brenda Rodelas ng Womens Desk Section, nabatid na papauwi na ang dalawa  kasama ang isang kaibigang kinilalang alyas  Jojo mula sa sayawan nang harangin ng  mga  armadong kalalakihan.

Sa ulat , sinasabing pumalag si Jojo at nagtangkang tumakbo subalit ginulpi ng tatlong holdaper kung saan iginapos at kinaladkad sa gilid ng riles ng tren kasama ang magkaibigang dalaga. Dito na halinhinang hinalay ang magkaibigan babae bago tinangay ang kanilang mga cell phone at pera.
2 DALAGA GINAHASA, NINAKAWAN NG MGA HOLDAPER
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue

No comments:

Post a Comment