QUEZON–– Pinaniniwalaang problema sa pana-nalapi sa kanikanilang pamilya kaya nag- bigti ang isang mister at misis sa magkahiwalay na insidente ng suicide sa mga bayan ng Candelaria at Sariaya, Quezon nitong nakalipas na Hunyo16.
Bandang alas-6 ng umaga nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Aurelio Almares, 52, sa kisame ng kanilang bahay.
Sa ulat ng pulisya, bago ang pagpapatiwakal ni Almares ay nakipagtalo ito sa kanyang ka-live-in na kinilalang si Lyra Peregrin tungkol sa problema nila sa pananalapi.
Kasunod nito, dakong alas-10:30 naman ng gabi nang matagpuang nakabigti si Glenn Mayuga, 21, ng kanyang mister na si Sherwin sa kisame din ng bahay sinasabing nagtalo din ang mag-asawa tungkol sa pera.
MISTER, MISIS NAGBIGTI DAHIL SA PROBLEMA SA PERA
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue
No comments:
Post a Comment