PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

MOTORSIKLO BUMANGGA SA TRAK, RIDER PATAY

CAVITE CITY–– Ideneklarang dead on arrival sa pinagdalhang ospital ang isang 21 na binata, makaraang  bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa likurang bahagi ng isang trak ng isang construction company   sa kahabaan ng P.Burgos Avenue, Samonte Park Cavite City nitong nakalipas na Hunyo 16 dakong alas  2:00 ng madaling araw. 

Sa nakalap na impormasyon sa tanggapan ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya, kinilala ang  biktimang si Aljoha Derrick Pagtakhan Red, residente ng 920 Dra. Salamanca Road San Antonio ng nasabing lunsod. 

Base sa paunang imbestigasyon isinagawa ni PO2 Jonathan Baclas, nabatid na lulan ang biktima ng isang  motorsiklo (LIFAN) na may plakang UN3056  ng bumangga ito sa likurang bahagi ng isang nakaparadang trak (Mitsubishi Fuso truck) na may plakang PPA 107 na pag-aari ng Readycon Trading Construction Corporation ng Vermont Park Subdivision Marcos Highway Antiipolo Rizal. 

Kaagad naman na dinaluhan ang biktima ng isang bystander na kinilalang si Jojo Mendoza at dinala sa Dra. Salamanca Hospital subalit ideneklarang DOA ni Dr. James Sebastian,sanhi ng pinsalang tinamo ng biktima (REY MORALES/
REYNANTE MACABTAT) .

MOTORSIKLO  BUMANGGA SA TRAK, RIDER  PATAY
By: REY MORALES/ REYNANTE MACBTAT│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue



No comments:

Post a Comment