Sa ulat ng pulisya buhat kay P/Chief Supt. Christopher Birung, hepe ng pulisya, kinilala ang nasawi na si Ruperto Peña, naninirahan sa Barangay Pinagtungulan sa bayan ng San Jose, Batangas.
Bandang alas-8:30 ng umaga noong Sabado, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang manager ng Lucky 9M motorist lodge na si Alberto Aranda at sinabi na natapuan nila ang bangkay ni Peña.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nagsagawa ng inspection si Reggie Guimong, bellboy sa motel nang mapatapat sa Room 16 sa kinaroroonan ng biktima.
Biglang kinabahan si Guimong dahil walang tugon mula sa loob ng nasabing silid kaya pinilit nitong buksan ang pinto.
Tumambad kay Guimong ang bangkay ng matandang lalaki nakahandusay sa sahig.
Narekober ng pulis sa pinangyarihan ng krimen ang white plastic container na may 6 na kapsula na pinanininiwalaang viagra.
Gayon pa man, upang matiyak, dinala kaagad ng mga imbestigador sa Scene of the Crime Operatives
(SOCO) ang naturang kapsula para suriin.
Sa imbestigasyon ng pulisya sinasabing, nag-check in si Peña kasama ang isang ’dikilalang babae noong
nakaraang Huwebes at mula noon ay hindi na ito lumabas sa loob ng silid.
Hinihinalang uminom ng viagra ang biktima at posibleng hindi nakayanan at nagsikip ang dibdib na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Sa kasalukuyan ay nakalagak ang labi ng biktima sa Funeraria Jun Du San Jose, Batangas para isailalim sa post mortem examination.
LOLO TIGOK SA VIAGRA
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue
No comments:
Post a Comment