CARMONA, Cavite–– Patuloy ang masusing imbestigasyon isinasagawa ng pulisya sa kaso ng isang Muslim trader na dinukot at pinagbabaril ng anim na kalalakihan, subalit mahimalang nabuhay sa kahabaan ng Governors Drive Brgy. Mabuhay, Carmona Cavite.
Sa ulat na nakalap sa Cavite Provincial Police Office (PPO) buhat kay Spokesman P/Supt Jerry Protacio, kinilala ang biktima na si Jelel Sandab, 27 anyos , vendor ng mga hikaw at iba pa, Muslim, tubong General Santos City residente ng #348 Gunao St., Quiapo, Manila.
Kinilala naman ang isang alyas Jamel ng Quiapo, Manila na pinaghahanap na ng mga awtoridad. Sa salaysay ng biktima, puwersahang umano siyang isinakay ng mga suspek sa behikulo ng mga ito at dinala sa Carmona, Cavite kung saan ito pinagbabaril gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng mga baril sa isang bakanteng lote sa lugar.
Muslim Trader Nilikida Nabuhay
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue
No comments:
Post a Comment