CAVITE CITY–– Naaresto ng mga operatiba ng Intelligence section ng Cavite City PNP ang isang 57-anyos na sapatero makaraang makabili ang isang operatiba ng pulisya na nagpanggap na poseur buyer sa isinagawang buy bust operation nitong nakalipas na Hunyo 1 bandang alas 8:30 ng gabi sa M. Gregorio Street San ntonio ng nasabing lunsod.
Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Michael Marquez, sa direktang superbisyon ni P/Supt. Javier, nabatid na nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Intelligence Section laban sa iligal na aktibidad ng droga sa nasabing lugar, na nagbunga ng pagkaaresto ng isang Romeo Borja y Villa, binata sapatero, residente ng 437 M. Gregorio, makaraang makabili si PO1 Ryjan De Guzman ng halagang P400 halaga ng pinaghihinalaang shabu sa pamamagitan ng dalawang piraso ng P200 marked money (PB3677701at A645676) na naging dahilan upang arestuhin ang suspek.
Habang nagsasagawa ng body search sa suspek, nakakuha ang dalawang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na nakalagay sa isang flip top plastic container na kulay pula. Nakakulong sa himpilan ng pulisya ang suspek na sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 ng RA9165 sa lokal na piskalya.
SAPATERO TIMBOG SA DROGA
By: REY MORALES │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 48 June 10-June 16, 2012 issue
No comments:
Post a Comment