CAVITE CITY– Naghihimas ng rehas na bakal ang isang 28 anyos na lalaki, matapos maaresto sa isinagawang follow-up operation ng Intelligence Section ng Cavite City PNP makaraang mangholdap ng isang empleyado sa P. Burgos Avenue San Roque nitong nakalipas na Mayo 30, dakong alas 11:30 ng gabi.
Sa imbestigasyong isinagawa ni PO3 Rodel Buitizon, may hawak ng kaso, nabatid na naglalakad ang biktima na kinilalang si Billy Jan Cabrera y Evora, 29, binata, empleyado, residente ng D-10D EMS Village Fort San Felipe Naval Station Cavite City sa nasabing lugar ng lapitan ng suspek na armado ng isang short firearm na lulan ng isang motorsiklo, tinutukan at sapilitang kinuha ang back pack bag ng biktima na naglalaman ng isang unit ng Cellphone (My phone) na may halagang P3,000,wallet na may lamang P 3,000, dalawang piraso ng tig isang US $1.00 at iba pang mahahalagang dokumento.
Kaagad namang inatasan ni Col. Javier ang mga tauhan ng pulisya sa pamumuno ni PO2 Michael Marquez na magsagawa ng follow-up operation na nagbunga ng pagkaaresto ng suspek at pagkabawi ng mga stolen items ng biktima at ang motrosiklong Suzuki Smash 110 na may plakang 4114TC na ginamit ng suspek. Sa imbestigasyon sinabi ng suspek na ang ginamit na baril nito ay isang "toy gun" na naiwan sa lugar malapit sa pinangyarihan ng panghoholdap makaraang sumemplang ito sa motorsiklo sa pagmamadaling makatakas. Base pa rin sa imbestigasyon, ang motorsiklong ginamit ng biktima ay nakarehistro sa pangalan ng kanyang asawa.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa himpilan ng pulisya.
28 ANYOS NA LALAKI TIKLO SA HOLDAP
By: REY MORALES│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 48 June 10-June 16, 2012 issue
No comments:
Post a Comment