PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

TRIKE DRIVER TIKLO SA ATTEMPTED RAPE


CAVITE CITY–– ISANG 18 anyos na lalaking tricycle driver ang nakakulong ngayon sa himpilan ng pulisya sa Cavite City makaraang maaresto matapos  ipagharap ng reklamo ng isang  dalagitang 17 anyos  na tinangka nitong halayin sa  isang kalyehon sa Trece Martirez Street,Samonte Park  sa lunsod  nabanggit nitong nakalipas na Hunyo 2 bandang alas 4:00 ng madaling araw.

Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier  hepe ng pulisya, Kinilala ang suspek na si John Anthony Valiente Samson @ John John, 18, binata tricycle driver , residente ng Colon Street, Samonte Park ng  nasabing lunsod , Samantalang kinilala naman ang biktima na si Baby(di tunay na pangalan) 17, high school graduate residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyong isinagawa ni PO3 Michelle Pillega ng Womens Children Protection Division (WCPD) base sa sinumpaang salaysay ng biktima.nabatid na dakong alas 11:00 ng gabi ng umuwi ito sa kanilang bahay galing sa simbahan, nang sa pagdating nito ay hindi na pinagbuksan ng pintuan ng kanyang ina, at nagpasyang maupo na lamang sa labas ng kanilang bahay.Napansin nito ang isang lalaki na maitim, matangkad, nakasuot ng kulay blue na t-shirt at red na short, naka tsinelas at may tattoo sa magkabilang braso.Napansin ng biktima na pabalik balik ang suspek kung saan nakaramdam ng takot ang biktima at muling kumatok sa kanilang bahay.Ayon pa rin sa  salaysay ng biktima, muling dumaan ang lalaki na wala ng suot na damit pang itaas, may takip na damit na kulay  puti sa mukha na kita lamang ang mga mata. Nagpalinga linga ang lalaki at ng wala ng nakakakita ay nilapitan ang biktima. Takot man ang biktima ay tinanong ang lalaki kung ano ang ginagawa doon, ikinagulat ng biktima ng bigla siyang suntukin sa may parte ng dibdib dahilan upang mapahiga dahil sa sobrang sakit, muli ay tatlong beses pa siyang sinuntok sa dibdib. Sumigaw ang biktima at humingi ng tulong sa puntong iyon ay nakaramdam ng pagkahilo ang biktima at naramdaman na nilalamas na ang mga maselang bahagi ng kanyang katawan. Muling nagsisigaw ang biktima at tinawag ang ina na binuksan ang pintuan at ng makita ng lalaki ay dali daling tumakbo papalayo. Hinabol ng dalawa ang lalaki subalit hindi na inabutan at nagpasyang tumungo sa himpilan ng pulisya.

Matapos maisalaysay ang pangyayari ay kaagad na tinungo ng mga awtoridad ang lugar  na nagbunga ng pagkaaresto ng suspek na ipinagkanulo ng kanyang mga tattoo sa magkabilang braso at ipinagharap ng kasong attempted rape sa lokal na piskalya.

TRIKE DRIVER TIKLO SA  ATTEMPTED RAPE
By: REY MORALES│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 48 June 10-June 16, 2012 issue



No comments:

Post a Comment