BACOOR, Cavite–– Patay ang isang saloon owner matapos saksakin ng kanyang kainuman sa Barangay Panapaan 4 Reyes Compound Family Village sa bayan ng Bacoor, Cavite nitong nakalipas na Mayo 8. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Armando “Myles” Sumalinog ng Tagaytay City Cavite, Samantalang naaresto ang suspek na si Arjay Garcia, 22, ng Mabini Street, Barangay 4, Amadeo, Cavite. Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, sinasabing nakikipag-inuman ng alak sa suspek sa loob ng kanyang kuwarto ang biktima, hanggang sa matagpuang isa ng malamig na bangkay bandang alas-12:45 ng madaling araw. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaslang.
SALOON OWNER TIGOK SA KAINUMAN
By: BOBBIT BENITES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 issue
No comments:
Post a Comment