IMUS, Cavite–– Isang barangay kagawad ang pinagbabaril at napatay ng di-kilalang lalaki sa Barangay Anabu I-D sa bayan ng Imus, Cavite noong Mayo 7 ng umaga. Dalawang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni Samuel Silla Santarin, 45, kung saan idineklarang dead on arrival sa Our Lady Of Pillar Hospital. Sa ulat ni SPO1 Jose Mangmang, lumilitaw na nag-aayos sa loob ng tindahan ang biktima nang lapitan at pagbabarilin.Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang sa biktima.
BARANGAY KAGAWAD NILIKIDA
By: BOBBIT BENITES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 issue
No comments:
Post a Comment