CAVITE CITY–– Nagsagawa ng operasyon ang mga elemento ng Intelligence Section ng Cavite City PNP sa
patuloy na kampanya kontra sa illegal gambling sa kanilang area of responsibility nitong nakalipas na Mayo 4, bandang alas 2:00 ng hapon, nang sa hindi sinasadyang pagkakataon ay mahuli sa akto ang dalawang lalaki na humihithit ng shabu.
Nasa kustodiya ng pulisya at sinampahan ng kasong paglabag sa Section 15, ng RA9165 ang mga naarestong suspek na sina Marlon Delos Reyes y Saquilayan, 32, binata, jobless, residente ng Callejon Street, Ligtong Rosario Cavite at Ruby Buenviaje y Baquiran 49, byuda walang trabaho residente ng Salcedo 2, Noveleta Cavite. Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier hepe ng pulisya, base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Marbert Sto. Domingo, Nabatid na nagsasagawa ang mga ito ng operasyon
sa barangay 30 Caridad ng lunsod nabanggit, ng maaktuhang humihithit ng shabu ang dalawang suspek, nakumpiska sa kanilang posesyon ang isang aluminum foil na nagsisilbing runway,na mayroong shabu residue na nakalagay sa loob ng isang transparent plastic, isang plastic tooter,na kalagay sa isang puting envelope, at isang lighter na may kasamang rolled aluminum foil na ginamit bilang burner.
By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012
No comments:
Post a Comment