PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

35-ANYOS NA MISTER SINUMPAK NG KALARO SA TONG ITS PATAY!



Jhon Santiaguel y Trinidad
CAVITE CITY––NANG dahil lamang sa sugal sa barahang tong its, inulila ng isang 35 anyos na mister ang kanyang asawa at mga anak ng barilin sa pamamagitan ng improvised shotgun (sumpak) ng kanyang kalaro matapos ang pagtatalo sa karahasang naganap sa Barangay 54 San Roque Cavite City nitong nakalipas na Mayo 13, dakong alas 7:30 ng gabi. Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya, base sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Nick Yap Balberan, kinilala ang biktimang si Jhon Santiaguel y Trinidad, 35, may asawa residente ng nasabing lugar.
Sa isinagawang imbestigasyon base sa salaysay ng saksing si  Romeo Sta. Ana y Piralta, 41, binata residente rin ng nasabing barangay. Nabatid na naglalaro sila ng tong its ng biktima kalaro ang suspek na si Rolando Hibanda y Empanano @ Amboy, 45, binata, residente rin ng nasabing lugar ng sabihan ng biktima ang natatalo  ng suspek sa hindi nito pagbabayad. Nang muling maka hits ang biktima ay muli nitong sinabihan ang suspek, na nagpasyang umuwi na napansin ng saksin na mainit ang ulo. makalipas ang ilang minuto ay bumalik at inilabas ang sumpak mula sa loob ng kanyang suot na damit at itinutok at ipinutok sa biktima na tinamaan sa gitnang  bahagi ng dibdib na daglian nitong ikinamatay Matapos ang insidente ay nagtungo ang suspek sa Barangay Hall at hiniling na ipatawag si PO1 Artemio Cinco na residente rin ng nasabing lugar upang doon ay sumuko.  Na  kaagad namang tinugunan ni PO1 Cinco matapos mabatid ang pangyayari ay siyang nagsama sa suspek sa himpilan ng pulisya.
Sumpak na ginamit pampatay kay Jhon Santiaguel y Trinidad

By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 45 issue  

No comments:

Post a Comment