September 30, 2012 - October 06, 2012
LIPA CITY, BATANGAS––Napatay ang isang kawani ng Small Town Lottery(STL) habang sugatan naman ang kasamahan nito sa Barangay 10, Lipa City, Batangas nitong nakalipas na Setyembre 25 ng gabi. Tama ng bala ng baril sa ulo ang nagwakas sa buhay ng biktimang si Mel Mendoza habang ginagamot naman sa San Antonio Medical Hospital ang sugatang si Liwenlindo Vergara na nagtamo ng sugat sa kanang braso.
Sa ulat ni P/Supt. Christopher Birung, hepe ng Lipa City PNP, bandang alas – 9 ng gabi habang naglalakad ang dalawa sa bisinidad ng H. Latore Street nang lapitan at pagbabarilin ng riding in tandem criminals.
Makaraan ang pamamaslang ay mabilis na nagsitakas ang mga kriminal sa di malamang direksyon.
No comments:
Post a Comment