DASMARIÑAS, Cavite–– Patay ang isa sa tatlong holdaper matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Dasmariñas City, Cavite nitong nakalipas na Hulyo 22, ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang napatay na si Richard Armillo, 28,tryasikel drayber, ng Block 28, Lot 6, Barangay Yakal sa bayan ang Silang, Cavite.
Sa ulat ni PO2 Aaron V. Abesamis, bago maganap ang shootout, sinasabing hinoldap ng grupo ni Armillo ang negosyanteng si Loreta Garcia sa nabanggit na barangay. Humingi ng saklolo si Garcia sa pulisya kaya ini-latag ang operasyon laban sa mga holdaper. Namataan naman ng pulisya ang grupo ni Armillo na lulan ng traysikel kung saan sa halip na sumuko ay nakipagbarilan, at ikinamatay nito, samantalang nakatakas naman ang dalawang kasama ni Armillo.
Textbooks at Reading Materials
page 05 -│ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 03 July 29 - August 04, 2012
No comments:
Post a Comment