PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

RIDER NABAGSAKAN NG SANGA NG PUNO TODAS


TIAONG, Quezon - Namatay ang isang 36-anyos na motorcycle rider matapos na mabagsakan ng sanga  ng puno ng kahoy sa Maharlika Highway sa Barangay Lumingon, Tiaong sa Quezon Hulyo 3  ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Romulo Dando, latero at nakatira sa San Pablo City, Laguna. 

Sa ulat ni  PO2 Niño Cristobal Narvaez, nagmomotorsiklo ang biktima na patungong bayan ng Tiaong mula  sa San Pablo City nang mabagsakan ng malaking sanga ng punungkahoy na dulot ang malakas na hangin. 

Halos mapisak ang katawan ng biktima  sa laki ng sanga ng puno na dumagan dito na nagdulot pa ng halos  isang oras na pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga sasakyan dahil sa nasabing aksidente.

No comments:

Post a Comment