PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

FOREMAN BINARETA SA ULO TODAS


DASMARIÑAS, Cavite– –Isang  32-anyos na foreman sa construction ang napatay  matapos itong  baretahin sa ulo ng kanyang tauhan sa Barangay H2, Dasmariñas City, Cavite nitong nakalipas na Hulyo 3 ng  hapon.

Kinilala ang biktima na si  Raymond Nocum ng Brgy. Sta. Lucia sa nasabing lungsod habang naaresto naman  ang suspek na si Jay Malinao, 27, construction worker  ng Block 1, Inter-fashion sa nabanggit na barangay. 

Sa imbestigasyon ni PO3 Rez Alovera, lulan ng motorsiklo ang biktima nang harangin at paluin  ng suspek na  may hawak na bareta. Hindi pa nakontento ay hinataw pa uli ng bareta kung saan tinamaan sa likod ang  biktima.

Sa ulat ng pulisya na ikinagalit ng suspek sa biktima  ang pagkakasibak nito sa trabaho.

FOREMAN BINARETA SA ULO TODAS
By: CRISTY D. GARCIA/ RENANTE MAGBUAT │Operation Exposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012  

No comments:

Post a Comment