PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

BUS NAWALAN NG PRENO, TUMAGILID 18 SUGATAN


PAGBILAO, Quezon–– Labingwalo sa 23 pasahero ang iniulat na nasugatan matapos mawalan ng preno at tumagilid ang pampasaherong bus sa highway ng Barangay Sila-ngang Malicboy sa bayan ng  Pagbilao, Quezon, nitong nakalipas na Hulyo 9 ng madaling araw. 

Kinilala ni P/Chief Inspector Arvin de Asis, hepe ng Pagbilao PNP ang mga biktimang sina Carmen  Aguila Robledo, Grace Besa Pachica, Nora Dometita Euna, Hanabella Dangatao Roco, Emillano Alpato,  Manely Asico Del Ayre, Amellia Moll Manalo, Rogelio Rogero Flojo Jr., Manuel Habitan Jerus, Bonifacio  Rosana Apanta, Haydee Jacob Belen, Roderick Coronel Asor, Sandee Balila Fabiano, Quirino Guiruiela Biag Jr., Rosalie Ann Prila Biag, Joane Vasquez Padolina, Dionisio Sanos Queppet, at si Sandy Briones, driver ng bus.

Sa ulat nina  PO3 Allan Falqueza at PO2 Darwin Balisalisa, sinasabing  bumabagtas ang Philtranco Bus (EVJ 973) ni Sandy Briones patu-ngo ng Pasay City mula sa Naga  City  nang mawalan ng preno.

Pinilit ni Briones na humanap ng lugar upang isadsad ang bus sa gilid ng bundok upang  maiwasang mahulog sa bangin kung saan tumagilid naman ang sasakyan. 

Isinugod sa Jane County Hospital ang mga nasugatang biktima.

No comments:

Post a Comment