IMUS, Cavite–– Dalawa-lalaki ang iniulat na napatay sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa bayan ng Imus, Cavite nitong nakalipas na Hulyo 8.
Sa nakalap na ulat napatay ang magsasakang si Crisanto Paredes, 40, matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa Barangay Pasong Buaya 1 sa nabanggit na bayan.
Samantalang isang Jerry Ricardo, 45, ay pinagtataga naman ng suspek na si Orlando Tagle matapos malasing sa pakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa Barangay Pasong Buaya 2. Idineklarang dead on arrival sa Prime Global Care Hospital ang biktimang si Ricardo.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang sa mga biktima.
No comments:
Post a Comment