PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

TRICYCLE DRIVER TIKLO SA DROGA


CAVITE CITY–– Minalas na maaresto ng Cavite City PNP ang isang tricycle driver at mahuli sa posesyon nito  ang hinihinalang ipinagbabawal na droga ,habang nagsasagawa ng operasyon kontra sa wanted person sa F. Mañalac, San Roque ng lunsod nitong Mayo 30 bandang alas 12: 00 ng tanghali. Sa nakalap na impormasyon, sa taggapan ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya , base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Mike Marquez, isinasaad na Sa direktang superbisyon ni  P/ Supt.Javier  inatasan nito ang kanyang mga tauhan sa Intelligence section, na magsagawa ng operasyon laban sa mga wanted person ng sa hindi sinasadyang pagkakataon ay mahuli ang suspek na kinilalang si Raymond Sta. Ana y Peralta,33, binata tricycle driver residente ng interior Mañalac  Street San Roque at mahuli sa kanyang posesyon ang 3 piraso ng small heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu,na nakapaloob sa isang small plastic white container.Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek upang isailalim sa custodial investigation   at isailalim sa  personal na  eksaminasyon sa PNP Crime laboratory. Sinampahan ng kasong paglabag sa section 11 ng RA 9165 (possession of illegal drugs) ang suspek sa lokal na piskalya.

TRICYCLE DRIVER TIKLO SA DROGA
By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 47 June 03-June 09, 2012 issue

No comments:

Post a Comment