PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

TOMBOY BINARIL DAHIL SA SELOS


CAVITE CITY– Kasalukuyang nasa isang ospital ang isang 29 anyos na babae, na sinasabing  tomboy, makaraang barilin ng dalawang beses ng dating live in partner ng sinasabing girlfriend ng  biktima  dahil umano sa selos,  bandang alas 4:30 ng madaling araw nitong nakalipas na Hunyo 3 sa Crisostomo Street Caridad Cavite City.

Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya kinilala ang biktimang si Jenny Camama y Rosales @ Jen, 29, single jobless residente ng 348 M. Castro, Barangay 22 Caridad Cavite City.

Samantalang ang suspek ay kinilalang si Darwin Wagwag y Miguel @ Waggy, 36, binata, jobless residente ng Interior Pilapil Street, Brgy.11 Sta Cruz Cavite City.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Rodel Buitizon, sa salaysay ng isang testigo, nabatid na habang binabagtas ng mga ito ang  kalye Crisostomo sakay ng motorsiklo,   ng biglang sumulpot ang suspek at walang sabi sabing binaril ang biktima ng dalawang beses, makaraan ang pamamaril ay tumakas ang suspek.

Mabilis naman na isinugod sa Bautista Hospital ang biktima na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang bahagi ng tiyan at sa likod, buhat sa di pa malamang kalibre at di nagtagal ay inilipat sa University of De la Salle  Medical Center sa Dasmariñas Cavite sa kaukulang atensyong medikal.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang isang black leather holster para sa kalibre 38.

Samantalang tugis naman ng mga awtoridad ang suspek upang papanagutin sa pamamaril sa biktima.

TOMBOY BINARIL DAHIL SA SELOS
By: REY MORALES │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 48 June 10-June 16, 2012 issue





No comments:

Post a Comment