LOPEZ, Quezon–– Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang Kapitan ng Barangay matapos pagtatagain ng kasamahang Brgy. Kagawad sa malagim na insidente sa Brgy. Sta Lucia ng bayang ito Hulyo 28, ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Nestor Ayque, 57, incumbent Barangay Captain matapos na magtamo ng malalalim na sugat sa katawan.
Tinutugis ng pulisya ang suspek na si Brgy. Kagawad Eduardo Solas, 50 taong gulang.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng tahanan ng isang Flor Villar, sinasabing nakatayo ang biktima sa nasabing lugar .
Sa ulat ng pulisya, nang makita ng suspek na noo’y kasalukuyang nakikipag-inuman sa kapitbahay ni Villar ang biktima ay agad itong tumayo.
Walang sabi-sabing sinugod umano ng suspek na armado ng gulok ang nabiglang kapitan at pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang duguang bumagsak sa lupa.
Sinampahan ng kasong murder ang suspek, samantalang inaalam pa ang motibo ng pamamaslang.
page 02 - │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 04 August 05-11, 2012
No comments:
Post a Comment