PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

WELDER TIGOK SA KURYENTE


CANDELARIA, Quezon–– isang  21-anyos na computer engineering graduate na unang araw na  nagtatrabaho ang namatay matapos na ito  ay makuryente habang nagwe-welding sa construction site sa  Barangay Masin Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon, nitong nakaliupas na Hunyo 22 ng hapon. 

Hindi na umabot ng buhay sa Peter Paul Hospital ang biktimang si Carlo Pagal Buan. Sa imbestigasyon ni  PO2 Archivald Real, dakong ala-1:30 ng hapon ay nasa LMI Construction ang biktima upang pumasok sa  unang araw ng trabaho bilang welder.

Gayon pa man ay hindi sanay sa kauna-unahang trabaho ay napahawak ang biktima sa talop na kable ng  welding machine hanggang sa makuryente at magkikisay. Ayon pa din sa  ulat  nagpasya ang biktima na  pumasok bilang welder sa construction upang makapag-ipon ng pera na gagamitin sa kanyang pagkuha ng  pagsusulit.

No comments:

Post a Comment