PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

7-ANYOS NA FOREIGNER STUDENT KINIDNAP


STA. CRUZ, Laguna–– Isang 7 anyos na  batang dayuhang mag aaral na  anak ng isang  prominenteng 
negosyante  ang dinukot  ng mga armadong kalalakihan sa lungsod ng Biñan sa Laguna Hunyo 22  ng umaga.


Kinilala lamang ni Senior Superintendent Gilbert Cruz, Laguna Police Director ang biktima na si Reynald       Chew, Myanmar national, estudyante ng Montesori Childrens Woodside sa lungsod. 

Sa ulat, papasok na ng kanyang eskwelahan ang biktima sakay ng school service nang harangin ng apat  na armadong kalalakihan sakay ng isang kulay maroon na Nissan Sentra (TBK 827) pagsapit sa national  highway  Bgy San Francisco bandang alas- 7:30 ng umaga Batay sa salaysay ng mga saksi,  puwersahang isinakay ang biktima sa get-away vehicle ng mga suspek bago sumibat patungo sa ‘di  malamang direksyon 

Ayon kay Cruz, tinurn-over na nila ang kaso sa Anti-Kidnapping Task Group ng Camp Crame para magsagawa ng follow-up operation.

No comments:

Post a Comment