PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

2 LALAKI TIKLO SA ILLEGAL GAMBLING


CAVITE CITY–– Dalawang lalaki ang naaresto ng mga elemento ng pulisya sa isinagawang operasyon laban sa illegal gambling sa  Barangay 36  Yagit Street Caridad Cavite City nitong  nakalipas na Hunyo 29  band a ng ala 1:30 ng hapon.

Pormal na sinampahan ng kasong paglabag sa PD  1602(illegal gambling) ang mga suspek na kinilalang sina  Rizalyn Moro y Aron 26, binata pedicab driver residente ng 120  Capt Villareal Caridad Cavite City at  Jordan Bernal y Arpon 34, binata construction  worker at residente ng 1253 Yagit Street ng nabanggit na  barangay.

Sa direktang superbisyon ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya at ng mga elemento ng  Intelligence section, isinagawa ang operasyon na nagbunga ng pagkakumpiska buhat sa mga suspek ng P200  bet money, isang plastic chair, one long wooden table, isang sakla board game, isang set ng sakla playing cards, at isang small carpet. 

Nakakulong ang mga  suspek  sa himpilan ng pulisya.
2 LALAKI TIKLO SA ILLEGAL GAMBLING
By: REY MORALES/ RENANTE MAGBUAT │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012  

1 comment:

  1. Really you have done great job, http://roulettegametry.com There are may person searching about that now they will find enough resources by your post.I like this blog..

    ReplyDelete