PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

1 PATAY, 5 SUGATAN TRAYSIKEL SUMALPOK SA TRAK


DASMARIÑAS, Cavite– Sinawimpalad na mamatay  ang isang 21-anyos na babae habang limang iba pa ang nasugatan matapos na sumalpok ang sinasakyang traysikel sa isang  nakaparadang trak sa kahabaan ng  highway sa Barangay Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite Hunyo 29 ng umaga. 

Kinilala ang nasawing biktimang si  Sharra Solis habang naisugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Ellaine Superales, 28; Semar Salveji, 23; Rolando Villamor, 49; Marites Liwag, 30; at si Rhona Porcioncula,  24.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ace Paredes, sinalpok ng traysikel  ( TWB 117) ni Ricardo Bueno ang nakaparadang trak ni Charlito Zabala  na naging dahilan upang tumilapon palabas ng traysikel ang mga  biktima.

Matapos ang insidente ay sumuko ang drayber sa mga otoridad.
(CRISTY D.
GARCIA)
1 PATAY, 5 SUGATAN TRAYSIKEL SUMALPOK SA TRAK
By: CRISTY D. GARCIA │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012  

No comments:

Post a Comment