By: CRISTY D. GARCIA │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012
TRADER, TINODAS SA RESTAURANT
SILANG, Cavite–– Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang sa isang 30 anyos na negosyante na pinagbabaril at napatay ng di nakilalang salarin sa loob ng kanyang restaurant sa barangay Biga 1 Silang, Cavite nitong nakalipas na Mayo 22 ng gabi.Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/ Supt. Simnar Gran hepe ng pulisya kinilala ang biktimang si Charlie Panuntan Jr, tubong Socorro, Oriental Mindoro, at may-ari ng Pampangueña Restaurant. Sa imbestigasyong isinagawa ni SPO1 Edgar Belza nabatid na nakikipag usap ang biktima sa kaibigang kinilalang si Glen Ford Montoya sa loob ng nasabing kainan nang lapitan at pagbabarilin ng gunman. Tinitingnan din ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa negosyo ang pagpaslang sa biktima.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment