GEN. TRIAS, Cavite–– Isang 36 anyos na ginang ang walang awang pinagsasaksak ng di -kilalang salarin sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay San Francisco sa bayan ng General Trias, Cavite Mayo 19 ng umaga. Sa imbestigasyon sinasabing bandang alas-9 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ni Juliet Addis, hiwalay sa asawa, tubong Agusan del Norte at nakatira s a Block 1 Lot 60 Tierra Nevada Subd. sa nasabing bayan. Hinihinala ng pulisya na malaki ang posibilidad na kakilala ng biktima ang killer dahil sa walang palatandaan ng pagnanakaw ang motibo at wala ring palatandaang may forcible entry na naganap dahil sa buo ang seradura ng pintuan nang matagpuan ng kanyang pamangkin si Karen ang bangkay ng biktima.
MISIS TINODAS SA LOOB NG BAHAY
│ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 46 May 27-June 02, 2012 issue
No comments:
Post a Comment