INDANG, Cavite–– Patay ang isang 33- anyos na misis na sinasabing nagselos sa kanyang mister matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Limbon sa bayan ng Indang, Cavite nitong Hunyo 11, ng madaling-araw.
Tama ng bala ng baril sa dibdib ang tumapos at nagwakas sa buhay ng biktimang kinilalang si Magdalena Dimapilis matapos magbaril sa loob ng kanyang kuwarto. Sa ulat ng pulisya, sa isinagawang imbestigasyon, sinasabing bago maganap ang insidente ay namataan ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang asawa kaugnay sa kumakalat na tsismis na may kinalolokohang babae ang kanyang mister.
Makaraan ay nagkulong sa kuwarto ang biktima kung saan narinig na lamang ang malakas na putok ng baril at nakitang nakahandusay ang biktima..
MISIS, NAGBARIL SA SARILI DAHIL SA SELOS
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 49 June 17-June 23, 2012 issue
No comments:
Post a Comment