DASMARIÑAS, Cavite– –Naging mitsa ng buhay ng mag ama, sa Paliparan 3 Dasmariñas Cavite ang binabantayang car stereo sa traysikel matapos pagsasaksakin ng 26-anyos na adik sa bawal na gamot nitong nakalipas na Hunyo 12 ng gabi. Malalalim na sugat sa leeg at dibdib Nagtamo ng malalalim na sugat sa leeg at dibdib ang nagwakas sa buhay ng mag-amang kinilalang sina Rolly Al-meria, 34, driver; at Reymart Almeria, 11, -kapwa nakatira sa Phase 4 sa nabanggit na lugar.
Nabatid na sa loob ng traysikel natulog ang mag-ama na nakaparada sa harapan ng kanilang bahay dahil sa binabantayan ang nakakabit na car stereo. Lumapit at pinagsasaksak ng suspek na kinilalang si Marvin Gulo 26 ng Block 1 excess lot ng nasabi ring lugar ang mga biktima na magkatabing natutulog.
Tinangkang kalasin ng suspek ang nakakabit na car stereo sa traysikel habang duguang nakabulagta ang magama subalit namataan ito ng misis ni Rolly kaya naudlot ang pagnanakaw.
Mabilis na tumakas ang suspek dahil sa sigaw ng misis kung saan nasakote naman ito ilang oras matapos ang isinagawang krimen.
MAG-AMA TINODAS NG ADIK
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 49 June 17-June 23, 2012 issue
No comments:
Post a Comment