CAVITE CITY–– Naaresto nina P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya ng Cavite City, PO1 Eugene Torejas at PO1 Elmor Santander ng Mobile Patrol Section ang isang 30 anyos na lalaki na namataang may nakasukbit na baril sa beywang habang nakikipagkwentuhan sa may Dra. Salamanca Road San Antonio ng lunsod na ito nitong nakalipas na Mayo 17, bandang alas 8:10 ng umaga. Sa nakalap na ulat sa tanggapan ng Criminal Investigation Division buhat kay PO3 Rodel Buitizon may hawak ng kaso, nabatid na nagpapatrulya ang hepe ng pulisya sa naturang bisinidad sa kampanya kontra kriminalidad ng mamataan ang suspek na kinilalang si Jefferrel Endencia y Romualdo @ Jeff Cobra, 30 anyos na binata, walang trabaho, residente ng 252 Chief Martin Street, Barangay 41 San Antonio, na nakikipag kwentuhan na may nakasukbit na baril sa beywang. Nang makita ng suspek ang mobile patrol car at lapitan upang tanungin ay kaagad na pumara ito ng traysikel upang tumakas, subalit sa maagap na pagharang ng hepe ng pulisya sa sasakyang nitong traysikel at ng alertadong mga tauhan ng pulisya ay naaresto ang suspek.
Nakumpiska buhat sa suspek ang isang kalibre .38 pistolang Amadeo Rossi, silver type, na may serial number J005424, anim na live ammunitions para sa kalibre.38 at isang kulay brown na leather holster. Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 8294 Illegal possession of firearms and ammunition sa ilalim ng inamyendahang dekreto ng Pangulo (Presedential Decree) 1866.
(Photo courstesy of CID Cavite City PNP) |
By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 44 May 13-19, 2012
No comments:
Post a Comment