PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

KOREANO NAGBARIL SA SARILI TODAS


IMUS, Cavite - Hinihinalang may matinding problema sa pananalapi ang 52-anyos na isang Korean national matapos matagpuang duguan at may tama ng baril sa ulo sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Malagasang II-B sa bayan ng Imus, Cavite nitong nakalipas na Abril 29, 2012 ng madaling araw.

Ideneklarang dead on arrival sa UMC Hospital si Kim Jae Heung ng Black 5, Lot 15, Greenmark Subdivision sa nabanggit na barangay at isang golf instructor.

Sa police report, dakong alas- 4:45 ng madaling araw nang marinig ng kasambahay ang malakas na putok ng baril kung saan natagpuan ang duguang katawan ng biktima na nasa loob ng kanyang silid.
By: CRISTY D. GARCIA │ Cavite Exposé  Vol.9 Blg.43 May 06-12, 2012

No comments:

Post a Comment