BIÑAN, Laguna– Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng pulisya sa pagkamatay ng dalawa-katao kabilang ang isang dating pulis na natagpuan sa loob ng inabandonang kotse sa Biñan, Laguna Hunyo 12 ng madaling araw.
Kinilala ang isa sa mga napaslang na si ex-PO1 Arturo Avellano Jr., na-dismis na miyembro ng Calamba City PNP at patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pa.
Sa ulat ni P/Supt Leo-nard Luna na bandang 1:30 ng mada-ling araw nang madiskubre ang krimen sa Purok VI, Barangay Sto. Tomas sa nasabing bayan. Nabatid na napansin ng ilang residente ang nakabalagbag na sasakyan ni Avellano sa kanilang lugar.
Inusisa naman ng mga residente ang loob ng sasakyan kung saan tumambad ang duguang bangkay ng dalawa na hindi pa alam kung tama ng bala ng baril o saksak sa pamamagitan ng patalim ang ikinamatay.
Ayon sa pulisya, hu-ling namataang buhay si Avellano habang nagpapagawa ng sasakyan sa Calamba City nitong nakalipas na Hunyo 10, ng gabi
EX-PULIS,1 PA NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG KOTSE
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 49 June 17-June 23, 2012 issue
No comments:
Post a Comment