CALAUAG, Quezon–– Sinawimpalad na mamatay ang isang driver ng trailer truck habang malubha naman ang kanyang dalawang pahinante matapos na bumangga ang kanilang sasakyan sa puno ng niyog sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Madlandungan sa bayan ng Calauag, Quezon nitong nakalipas na Hunyo 8 ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Redford Sanchez, 28, ng Antipolo City, Rizal, habang ginagamot naman sa ospital ang mga pahinanteng sina Sammy Sanchez, 34, kapatid ng driver; at Edwin Plaza, 28, ng Cavite.
Ayon kay SPO1 Victor Beso, patungong Kabikulan ang Fuzo trailer truck (TXX-330) na kargado ng mga mineral water mula sa bayan ng Cabuyao, Laguna nang mawalan ng kontrol sa manibela si Redford at sumalpok sa puno ng niyog. Nahirapan ang mga rescue team na alisin ang driver sa pagkakaupo nito dahil sa matinding pagkakaipit sa loob ng trak na isa sa dahilan ng kanyang kamatayan..
DRIVER TODAS, 2 PAHINANTE MALUBHA SA ROAD MISHAP
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 49 June 17-June 23, 2012 issue
No comments:
Post a Comment