PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
Opertation Exposé │ Ulat tungkol sa mga Patayan, Aksidente, Nakawan, Krimen,at mga Iskandalo sa Cavite │

BRGY. KAGAWAD INARESTO SA KASO SA DROGA


CAVITE CITY–– Nagsagawa ng operasyon laban sa wanted person  ang mga kaanib ng Warrant Section ng Cavite City Police Station nitong nakalipas na Hunyo 8 bandang alas 6:45  ng gabi na nagbunga ng pagka aresto ng isang Barangay kagawad sa Dalahican ng nabanggit na lunsod.

Sa direktang superbisyon ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier hepe ng pulisya, armado ng warrant  of  arrest sa paglabag sa section 11, Article II ng RA 9165 sa ilalim ng Criminal Case number CC165 -12 na may petsang Mayo 24, 2012,   na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Agapito S. Lu RTC Branch 88 Cavite City,  naaresto nina  PO1 Edgie Portacio at PO1 Nick Balberan ang isang Alejandro Nuguid, 49, may asawa residente ng Barangay 7, Dalahican ng nasabing lunsod.

Kasalukuyang nasa himpilan ng pulisya ang naarestong suspek na may kaukulang piyansang P200,000 sa pansamantalang paglaya.
BRGY. KAGAWAD INARESTO SA KASO SA DROGA
By: REY MORALES │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 49 June 17-June 23, 2012 issue

No comments:

Post a Comment